Patay ang 19 katao habang 22 naman ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan ng mga ito na elf truck sa bangin sa Conner, Apayao Huwebes ng gabi.
Batay sa ulat, pauwi na ang mga biktima galing sa Kalinga Province matapos tumanggap ng cash at seeds assistance mula sa gobyerno.
Sa inisiyal na imbestigasyon nawalan umano ng preno ang trak dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito hanggang sa nahulog na ang sasakyan sa bangin.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.