Patay ang 19 katao habang sugatan naman ang maraming iba pa kasunod ng pagsabog sa isang pabrika ng paputok sa India.
Ayon sa mga awtoridad, ang insidente sa Virudhunagar district ay isa sa pinakamalagim na pangyayari sa estado ng Tamil Nadu nitong mga nakalipas na taon.
Nabatid na iligal ang operasyon ng nasabing firecracker factory.
Nangako naman si Prime Minister Narendra Modi na makatatanggap ng tig-200,000 rupees o 2,700 dollars ang bawat pamilya ng mga nasawi.