Labing siyam (19) na local television at radio stations sa Northern Mindanao ang lumabag sa communication and broadcasting laws.
Ito ayon sa NTC o National Telecommunication Commission Region 10 ay kaya’t kaagad nilang ipinasara ang mga naturang RTC stations.
Kabilang sa mga ipinasara ng NTC Region 10 ang Hypersonic Broadcasting ng Lala, Lanao del Norte, Prime Broadcasting ng Iligan City, DXJJ Fm 102. 5 Megaherts ng Calamba, Misamis Occidental at Mit RTVN Channel 7 ng Ozamiz City.
Sinabi ni NTC Regional Director Engr. Teodoro Buenavista, Jr. na handa naman silang pakinggan ang apela ng mga naturang istasyon.
Subalit, ipinabatid ni Buenavista na kukumpiskahin nila ang broadcast equipment ng mga naturang broadcast stations kung patuloy na lalabag sa batas.
By Judith Larino