Inihayag ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) na 19 na milyong pilipino ang eligible para sa booster shots o karagdagang doses ng COVID-19 vaccines.
Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapaikli ng interval ng pamamahagi ng boosters at primary series ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario, miyembro ng NVOC, may sapat na suplay ng bakuna ang Pilipinas na tinatatayang aabot sa 192 million doses.
Sinabi pa ni Rosario na papayagan nilang mamili ng brand ng bakuna ang mga magpapaturok ng booster shot ngunit pinayuhan niya ang mga ito na tanggapin kung ano ang available na bakuna sa mga vaccination site.