Labingsiyam na mag-aaral at apat na guro na ang tinamaan ng Covid-19 sa Mati City, Davao Oriental mula nang magsimula ang klase noong Agosto.
Ayon sa Mati Incident Management Team (IMT), naitala ang mga kaso sa walong paaralan mula sa mga Barangay ng Badas, Sainz, Matiao, Central, Lawigan, Dahican, Don Enrique Lopez at Don Salvador Lopez.
Sinabi ni IMT Commander Dir. Ben Hur Catbagan Jr., na karamihan sa mga tinamaan ng naturang sakit ay asymptomatic at naka-home quarantine.
Naitala ang unang kaso noong August 30 at gumaling ito noong September 6.
Nabatid na mayroon na lamang anim na aktibong kaso ng sakit sa mga paaralan, habang 30 naman ang kabuuang active cases sa Mati City.