Patay ang labing siyam (19) na militante matapos makabakbakan ng militar sa Afghanistan.
Ayon sa Defense Ministry, bukod sa mga nasawi ay 27 iba pa ang nasugatan sa engkwentro sa nakalipas na 24 oras.
Kinumpirma naman ng ministry na apat na army personnel ang nalagas matapos ang bakbakan.
Wala pang pahayag ang kampo ng Taliban militant group hinggil sa naturang pangyayari.
By Jelbert Perdez