Nakatakdang ipa – deport ng Bureau of Immigration ang 19 na babaeng Ruso na inaresto sa isang club sa Clark , Pampanga dahil sa kawalan ng employment visa.
Maliban sa mga Russian Nationals ay inaresto din ang dalawang Korean nationals na pinaniniwalaang recruiter at employers ng mga ito.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang Koreans na sina Jeong Seonghun at Lee Kyurak na nagtatrabaho bilang cashier at manager sa sinalakay na Club Angel sa Pampanga.
Pawang ‘overstaying’ na aniya ang dalawang Korean national sa bansa kasama ang 19 sa nahuling mga babaeng Ruso.
Sa ngayon ay pansamantalang nakaditine ang mga dayuhan sa detention facility ng immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.