Mahigpit na tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang 19 na lugar sa bansa na itinuturing na election hotspots.
Ito ay bilang paghahanda para sa pagsisimula ng election period bukas, Enero 13.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Superintendent Kimberly Molitas, ang mga election hotspots ay ang mga lugar na kilalang mayruong history ng karahasan na kinakailangan aniyang bantayan habang napapalapit ang eleksyon.
Sinabi ni Molitas na nagpapatuloy ang kanilang validation katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para malaman kung bumaba na ba ang mga insidente ng karahasan sa naturang mga lugar na may kinalaman sa eleksyon.
Matatandaang karamihan sa mga lugar na kabilang mga itinuturing na elections hotspots ay matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) gaya ng Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.