Sibak sa pwesto ang 19 na hepe ng pulisya sa Caraga region.
Ito’y bunsod ng mahinang performance sa Oplan Double Barrel o ang pinalakas na kampanya laban sa droga ng Duterte administration.
Ayon kay Chief Superintendent Rolando Felix, Caraga Police Director, kabilang mga tinanggal ang mga police chief ng Jabonga at Las Nieves sa Agusan del Norte, La Paz sa Agusan del Sur at Cagdianao, Libjo at Loreto sa Dinagat Islands.
Ipinag-utos din ang pag-relieve sa mga hepe ng pulisya sa Alegria, Bacuag, Malimono, San Benito, Burgos, Claver, Del Carmen, Gigaquit, Tubod at Sta. Monica sa Surigao del Norte at gayundin sa Tandag City, Cagwait at Cantilan sa Surigao del Sur.
Sa Caraga, sinasabing halos 500 drug suspect na ang naaresto, 19 ang napatay habang mahigit 40 milyong pisong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska simula noong Hulyo 1, taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez