Hindi pa rin madadaanan ang 19 na national road sa Northern at Central Luzon ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasunod ito ng pananalasa ng bagyong Egay na nag-iwan ng mga pinsala sa kalsada bunsod ng pagguho ng lupa, pagbaha at pagkatumba ng mga puno.
Kung saan sampu (10) dito ay sa Cordillera Administrative Region, lima (5) sa region 1 at apat (4) sa Region 3.
Habang apat (4) din road sections ang may limited access, isa (1) sa CAR at tatlo (3) sa Region III.