Itinuturing na pinakahanda at pinakamalakas ang delegado ng bansa sa idaraos ng Olympics sa Tokyo, Japan ngayong taon simula nang sumali ang bansa sa Olympics noong 1924 sa Paris.
Dahil dito, tiwala si Philippine Sports Commission Chair William Butch Ramirez na magpapakitang gilas ang 19 na Pinoy athletes tungo sa paghablot sa pinakaaasam na gintong medalya.
Ipinabatid ni Ramirez na nasa P279 milyon na ang nagastos nila sa training ng pinoy athletes na sasabak sa Tokyo Olympics kaya’t normal lamang din aniyang umaasa ng gintong medalya ang gobyerno mula sa Tokyo olympics.
Inaasahan na aniya ang return on investment at nakakadismaya talaga kung walang makukuha ginto o tanso ang Pinoy athletes na kasali sa olympics ngayong taon.