Labingsyam (19) na refugee na ang patay habang mahigit isandaan (100) ang sugatan sa pagtagilid ng truck sa Libya.
Karamihan sa mga refugee ay nagmula sa mga bansang Eritrea at Somalia.
Bumibyahe ang mga biktima lulan ng truck sa bayan ng Bani Walid na trans-shipment point ng mga illegal migrant patungong Europa partikular sa Italy, nang maganap ang trahedya.
Taong 2011 nang magsimulang dumagsa sa Bani Walid ang mga refugee na nais matakasan ang civil war sa Libya.
—-