Kinasuhan ang 19 na rebelde ng New People’s Army noong Huwebes hinggil sa pagpatay sa dalawang sundalo sa Aurora, dalawang taon na ang nakararaan.
Sinalakay ang mga sundalo habang namamahagi ng social amelioration program cash assistance sa barangay Punglo sa Maria Aurora.
Nagsampa naman ng kaso ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa paglabag ng Anti-Terrorism Act and Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, genocide and other crimes against humanity sa Aurora Provincial Prosecutor’s Office.
Ayon kay CIDG director, Brigadier General Ronald Lee, ang mga naturang rebelde ay mga opisyal at miyembro ng komiteng larangang guerilla Sierra Madre ng NPA.–-mula sa panulat ni Hannah Oledan