Pinasisibak sa serbisyo ng Ombudsman ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa maanomalyang pagbili ng P4.54 million pesos na halaga ng rubber boats noong 2009 .
Kabilang sa mga police officials na dawit sa anomalya sina Police Senior Supts. Asher Dolina, Ferdinand Yuson, Cornelio Salinas, Thomas Abellar, Nepomuceno Magno Corpus, Jr., Rico Payonga, Alex Sarmiento at Henry Duque, Chief Supts. Reynaldo Rafal at Rizaldo Tungala, Jr.
Sinibak na rin dahil sa grave misconduct at gross neglect of duty sina PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato samantalang sinipa naman sa puwesto dahil sa gross neglect of duty sina Chief Supt. George Piano at COA Auditor for the PNP Jaime Saniares.
Nakasaad sa kautusan ng Ombudsman ang disqualification ng mga naturang police officials sa pagtatrabaho sa gobyerno, forfeiture o hindi pagbibigay ng retirement benefits at kanselasyon ng civil service eligibility.
Pinakakasuhan din ng falsification of public documents sina Piano at Duque.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)