Patay ang 19 na indibidwal habang sugatan naman ang 13 pa matapos sumabog ang isang fuel tanker sa Salang Tunnel malapit sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa mga opisyal, kabilang sa mga nasawi ang mga kababaihan at kabataan habang may ilan pang mga survivor ang na-trap at nanatili pa rin sa loob ng naturang tunnel.
Samantala, patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang mga nareskyung sugatan sa naganap na insidente.
Sa ngayon, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagsabog kung saan, nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa nabanggit na lugar.