19 ang patay sa pag-atake ng mga rebelde sa bayan ng Muse, Myanmar.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 100 miyembro ng Ta’ang National Liberation Army ang sumalakay sa isang police outpost.
Tinaya naman sa 30 ang sugatan sa insidente na karamiha’y sibilyan.
Isa ang Ta’ang National Liberation Army sa mahigit isang dosenang armadong grupo na nakikipag-laban sa gobyerno para sa isang hiwalay na otonomiya ng Shan state.
Umatake ang Ta’ang bilang ganti sa opensiba ng militar sa kapanalig nilang rebeldeng grupo sa Kachin state.