Patay ang labing siyam (19) katao sa pagbagsak ng isang maliit na pampasaherong eroplano sa lawa sa South Sudan.
Kabilang sa mga nasawi ang piloto at co-pilot nito, mga miyembro ng Red Cross at isang Anglican Bishop.
Tanging apat lamang ang nakaligtas sa trahedya kung saan dalawa sa mga ito ay bata.
Ayon sa ulat, makapal ang hamog nang magtangkang lumapak ang eroplano hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa lawa.
—-