Dumating na sa Pilipinas ang 19 pang Pinoy seafarers mula Ukraine na inilikas sa gitna pa rin ng digmaan sa pagitan nila ng Russia.
Ayon kay Foreign Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola na Miyerkules ng gabi nang dumating sa bansa ang mga tripulante ng chariana l.
Umabot sa mahigit tatlong daan ang bilang ng mga Pilipino na nasa Ukraine ang napauwi na sa Pilipinas.
Samantala, may 41 pa ang nailikas na rin.
Hanggang ngayong araw, 370 na Pilipino na sa Ukraine ang natulungan ng Department of Foreign Affairs.