Labing siyam (19) na mga rebelde ang sumuko sa mga awtoridad sa Mountain Province nitong nakalipas na linggo.
Kinabibilangan ito ng dalawang miyembro ng New People’s Army na pawang residente ng Ifugao at Mountain Provice at labing pitong miyembro ng militia ng bayan na mula naman sa Cagayan Valley.
Ayon sa tagapagsalita ng Northern Luzon Command o NOLCOM na si Lieutenant Colonel Isagani Nato, inaasahan nila ang pagsuko pa ng mas maraming rebelde dahil sa kanilang pinaigting na operasyon sa naturang lugar.
Batay sa datos ng Philippine Army, sa kabuuan ay may anim na libo pitong daan at siyam (6,709) na mga rebelde na ang sumuko sa pamahaalaan simula noong November 2017.
—-