Idineport ng Kuwait pabalik ng Pilipinas ang 19 na mga bata kasama ang kanilang mga magulang.
Ayon sa report, idineport ang mga nasabing bata dahil sila ay undocumented.
Karamihan sa mga bata ay isinilang out-of-wedlock habang ang iba ay na-deport dahil hindi natugunan ng kanilang mga magulang ang minimim salary na itinatakda ng Kuwaiti government.
Sa ilalim ng batas sa Kuwait, tanging ang mga dayuhan na may minimum monthly salary na 250 Kuwaiti dinar ang maaaring magdala ng asawa at anak sa kanilang bansa.
By Meann Tanbio