Pumalya rin sa gitna ng araw ng botohan kahapon ang nasa 19 na Vote-Counting Machines (VCMs) sa iba’t ibang polling precinct sa Quezon Province.
Kabilang sa mga presinto na nakapagtala ng aberya sa mga VCM ay ang mga eskwelahan sa:
Brgy. 4; Brgy 5; Brgy. 7 sa East 2; Brgy. Ilayang Dupay sa Lucena City; Brgy. Huinguiwin sa Padre Burgos; Brgy. Anos, Macalelon, Quezon; Brgy. Huyon–huyon sa San Francisco, Quezon; Brgy. Sisi sa Guinayangan Quezon; Brgy. Carlagan sa Burdeos, Quezon; Brgy. Sampaloc; Brgy. Janagdong at Janagdong 1 sa Sariaya Quezon; Brgy. Kilogan sa Patnanungan, Quezon; Brgy. Ipilan; Brgy. Cotta sa South 1, Tayabas, City; Brgy. Angeles Zone 1 sa Tayabas East; at Brgy. Tala sa San Andres Quezon.
Sa ngayon, nasa 1,127 na ang kabuuang bilang na polling precinct sa loob ng lalawigan.