Patuloy pa ring nakararanas ng volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Batay sa volcano bulletin ng PHIVOLCS kaninang alas-8 ng umaga, 19 volcanic earthquakes ang naitala sa Taal —bukod pa ito sa patuloy na pagbuga ng bulkan ng steam laden plumes na may taas na 300 meters hanggang 500 meters.
Dahil dito, nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal kaya’t posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at expulsion ng volcanic gas.
Samantala, hindi pa rin naman pinapayagang makapasok ang sinuman sa paligid ng Taal Volcano Island maging sa permanent danger zone ng naturang bulkan.