Inaasahang darating sa bansa sa buwan ng Mayo ang tinatayang 194,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Moderna.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang naturang libu-libong doses ng bakuna ay bahagi ng 13-milyong doses ng bakunang inorder ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
Pero, ani Galvez, pagdating ng mga bakuna sa bansa, National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) naman ang magdedesisyon kung sino ang ipa-prayoridad nitong mabigyan.
Ito naman, ani Galvez, ay kapwa sinang-ayunan ng mga pribadong sektor na bumili ng bakuna, gayundin ang Health Department na kumakatawan sa pamahalaan.