Umakyat na sa 195 ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, sa nasabing bilang ay mahigit sa kalahati ang nananatili sa kanilang employer home isolation facility.
10 OFW naman aniya ang nasa ospital.
Tiniyak naman ni Cacdac na magbibigay ng tulong ang pamahalaan sa mga apektadong Pilipino sa Hong Kong.
Nabatid na nakararanas ngayon ng panibagong “wave” ng sakit ang naturang teritoryo bunsod ng omicron variant.