Posibleng hindi na ituloy ng Anti Martial Law Petitioners sa Kamara ang paghahain ng Motion for Reconsideration matapos ibasura ng Korte Suprema ang pag kuwestyon sa legalidad ng nasabing deklarasyon.
Inamin ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano na hindi na kailangang maghain ng MR dahil may sapat na bilang ang Pangulong Rodrigo Duterte para rito base na rin sa 11 mula sa 15 mahistrado na pumabor sa martial law declaration.
Gayunman iginigiit ni Alejano na hindi nila isusuko ang kanilang paninindigan kontra Martial Law declaration sa Mindanao.
By: Judith Larino
Rep. Alejano naninindigang hindi isusuko ang paninindigan kontra sa Martial Law was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882