Dalawa na lamang mula sa 200 residente ng Cagayan na humingi ng tulong sa Office of the Vice President ang natagpuan na ng kampo ng pangalawang pangulo.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, nakausap na nila at ligtas na ang 198 residente na umiiyak nang magpasaklolo sa kaniyang tanggapan.
Lumalabas aniya sa report na mayroong tatlong hindi nila makontak subalit natagpuan na ng kanilang team ang isa sa mga ito na nakilala bilang ‘Racquel’ ng Gosi Sur, Tuguegarao.
Ipinabatid pa ni Robredo na nahanap din ng kanilang team ang residenteng si Janice Narag, anak ni Johnny Narag, na nasawi sa heart attack ilang oras bago sila marescue ng mga otoridad.
Sinabi ni Robredo na si Janice ang sumisigaw at humihingi ng tulong sa isang viral video sa social media sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Initial reports show that there were about three who did not make it. But we requested them to double check. One of those they could not contact was Raquel of Gosi Sur, Tuguegarao. We were getting nervous already. But they found her today❤️ pic.twitter.com/5J7IKox9iz
— Leni Robredo (@lenirobredo) November 17, 2020