Bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Sabado.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH), tumaas sa 2, 434 ang active cases mula sa 2, 422 noong Biyernes.
199 ang nadagdag sa bilang nang nahawa sa COVID-19.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nasa 60, 455 pa rin at 3, 627, 166 ang mga gumaling.
Sa kabuuan, umabot na sa 3, 690, 055 sa total COVID-19 cases sa bansa.