Excited na ring bumalik ng Pilipinas si 1993 Miss Universe Dayanara Torres na imbitado sa coronation night ng 2016 pageant sa MOA Arena, Pasay sa Enero 30.
Ayon kay Yari, magkahalong kaba at tuwa ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik sa itinuturing niyang ikalawang tahanan bukod sa Puerto Rico.
Aminado ang tinaguriang “original dancing queen” ng Pilipinas na maraming magandang alaala sa kanyang buhay ang natagpuan niya sa Pilipinas na nagbigay sa kanyang pinaka-malaking break sa showbiz industry.
Taong 1994 nang unang bumisita si Dayanara sa Pilipinas upang ipasa ang korona sa nanalong Miss Universe na si Sushmita Sen.
Matapos nito ay sunud-sunod ang naging project ng Puerto Rican beauty kabilang ang pagiging isa sa mga original host ng longest sunday noontime show na ASAP sa ABS-CBN at bida sa ilang pelikula katambala ang mga premyadong leading man ng Philippine showbiz gaya nina Aga Muhlach at Cesar Montano.
By: Drew Nacino