Umabot sa mahigit 1,000 menor de edad na may comorbidity ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Sa isinagawang pilot implementation ng pediatric group kahapon, karamihan sa mga nabakunahan ay mula sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Lukes Medical Center-Global City at Pasig City Children’s Hospital.
Batay sa datos ng health department nasa halos 1.2 milyon ang menor de edad na may comorbidities mula 12 hanggang 17 taong gulang sa bansa.
Samantala, hinihikayat naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang at kabataan na makilahok sa isinasagawang pagbabakuna ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.