Pinakawalan sa mga drainage canal sa barangay old Balara sa Quezon City ang isang libong palakang bukid.
Ito ay para labanan ang lamok na may dalang dengue.
Taong 2018 nang magsimula ang ganitong klaseng anti- dengue drive. Naniniwala kasi ang pamunuan ng barangay na palaka ang may kinalaman sa pagbaba ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.
Bumaba kasi aniya mula dalawang-daan ay naging sampong kaso na lang ito.
Kinakain daw kasi umano ng mga palaka ang mga pinagpupugaran ng mga nasabing insekto.
Ayon naman sa isang herpetologist, ang paggamit ng mga ganoong klase ng palaka ang nakasisira sa ating ecosystem
Maliban dito, may lason din ito na delikado sa mga aso at pusa.—sa panulat ni Rex Espiritu