Posibleng ipatupad ng gobyerno ang panuntunang pagbibigay ng P1,000 kada indibidwal o maximum na P4,000 kada pamilya na tulong pinansyal para sa mga apektado ng ECQ sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon ito kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles bagamat pupuwede naman aniyang mag iba ng regulasyon sa pagbibigay ng cash aid, depende sa magiging pinal na desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman aniya nabago ang polisiya ng gobyerno sa pamamahagi ng cash aid nang unang ipatupad ang ECQ sa Metro Manila noong Marso 2020.