Aabot sa mahigit 1,000 piraso ng puslit na chainsaw ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container-Designated Examination Area (MICP-DEA).
Ayon sa BOC, aabot 667 mga kahon ng chainsaw ang nakuha na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso na galing umano sa China at nakapangalan sa JJJJ enterprises.
Bukod pa dito, wala ding importation permit galing sa Forest Management Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (FMB-DENR) ang naturang kargamento.
Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang responsable sa nasabing shipment. —sa panulat ni Angelica Doctolero