Halos 1k sundalo ng Afghanistan ang tumakbo sa Tajikistan matapos makipaglaban sa mga Taliban Militants.
Tumakas ang mga sundalo sa border upang mailigtas ang sarili laban sa malalakas na puwersa ng mga Taliban.
Patuloy na tumataas ang kaso ng labanan ng Afghanistan soldiers at mga Taliban matapos ang pag-alis ng mga sundalo ng US sa Afghanistan.
Samantala, naniniwala si Afghan President Ashraf Ghani na sapat ang kanilang sundalo para labanan ang mga rebeldeng grupo.