Aabot sa mahigit 1 milyong pisong cash at ilan pang kontrabando ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Special Action Force sa kanilang raid operation sa loob ng New Bilibid Prisons.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kabilang sa mga nakumpiska ng SAF sa Bilibid ay mga patalim, armas, droga at telebisyon.
Kasabay nito, nagbabala si Aguirre na tapos na ang maliligayang araw ng mga drug lord sa Bilibid dahil sa hindi aniya pahihintulutan ang mga ganitong kalakaran sa Bilibid sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng DOJ.
Matatandaang ang SAF commandos na ngayon ang pumalit sa mga jail guard ng Bilibid.
By Ralph Obina