Kumpiyansa ang gobyerno na maaabot ang target na 1-M COVID-19 vaccine jabs simula ngayong buwan.
Tiniyak ni National Task Force against COVID-19 chief, secretary Carlito Galvez Jr. na magsasagawa ang kanyang ahensya ng iba’t ibang istratehiya upang paigtingin ang vaccination drive.
Malinaw anya ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang vaccination rate ng mga LGU, gamitin ang lahat ng assets at magpataw ng parusa kung kailangan.
Nito lamang Huwebes ay umabot sa 1.1-M ang binakunahan.
Aminado naman si galvez na may ilan pa ring Pilipino sa mga probinsya ang nag-dadalawang-isip na magpabakuna kaya’t hinikayat ng gobyerno ang mga LGU na maging malikhain sa paghimok sa kanilang mga constituent na magpabakuna.—mula sa panulat ni Drew Nacino