Aabot sa P5.36B ng droga ang sinunog kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City sa Cavite.
Nasabat ito noong mga nagdaang taon na sinunog sa pasilidad ng Intergrated Waste Management Inc.
1M kilo ng ipinagbabawal na gamot ang naging abo tulad; shabu at mga kemikal sa paggawa nito, marijuana, cocaine, ecstasy, mga expired na gamot at iba pa.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, pinakamalaki rito ay nakumpiska sa Subic, Zambales at Imus, Cavite.
Limang buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, may 11K pang barangay sa buong bansa ang hindi cleared sa droga. —sa panulat ni Abby Malanday