Umabot na sa mahigit 1M magsasaka ang nakinabang sa libreng irigasyon ng pamahalaan.
Ito ay matapos maging isang ganap na batas noong 2018 ang Free Irrigation Service Act.
Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, katumbas ang nakinabang ng 1.1M ektarya ng lupang agrikultural.
Mula 2016 hanggang 2021, nasa mahigit 300,000 ektarya o 7.95% ang nadagdag na lupain na napapatubigan ng pamahalaan.
Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 2M ektarya ng lupain ang napatubigan ng pamahalaan na katumbas ng 64.28% na Irrigation Development.
Isa sa legasiyang iiwanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas ay ang patubig sa mga sakahan.