Nakamit na ng pamahalaan ang target nitong makapagbigay ng 1 milyong trabaho noong nakaraang taon bilang bahagi ng employment recovery plan dahil sa Covid-19 pandemic.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, pinaka-malaking ambag ng nagpapatuloy na “build, build, build” program na nakalikha na ng nasa pitundaanlibong trabaho sa sektor pa lamang ng construction.
Umabot naman sa 200,000 job opportunities ang nilikha sa ilalim ng student employment program ng Department of Labor and Employment at ang livelihood package nito hindi pa kasama ang mga trabahong nilikha sa sektor ng turismo.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon ang executive order na nag-adopt sa national employment recovery strategy na layong lumikha ng mga livelihood at training opportunities.
Samantala, sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa 3.13 million ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho noong Pebrero kumpara sa 2.93 million na noong Enero.