Isa ang patay habang isa ang sugatan sa sunog sa Baseco compound sa Tondo, Maynila.
Bandang alas-7 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa isang residential area.
Umabot ito sa ika-2 alarma at tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) bago mag-aalas-10.
Inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy na nagsimula sa ground floor ng isang gusali.—sa panulat ni Drew Nacino