Kumbinsido si Dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pag endorso rito ng Opposition Coalition na 1Sambayan.
Ayon kay Carpio, Lead Convenor ng 1Sambayan ayaw niyang pangunahan si Robredo subalit malinaw naman ang mensahe kung sino ang dapat na susunod na pangulo ng bansa.
Una nang inihayag ni Robredo ang pasasalamat sa 1Sambayan sa tiwalang ibinigay sa kanya subalit itutuluy tuloy niya muna ang pagdarasal kung tatanggapin ang nasabing pag endorso sa kanya bilang pangulo ng bansa.