Nilinaw ng 1Sambayan na walang nagbago sa kanilang mga posibleng pambato sa national elections.
Sinabi ni 1Sambayan Convenor Lawyer Howard Calleja, nananatiling si Vice President Leni Robredo at dating sen. Antonio Trillanes ang kabilang sa kanilang limang posibleng kandidato sa pagkapangulo at pagka-bise presidente.
Kabilang din aniya sa mga pinagpipilian ay sina Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno.
Sa ngayon umano ay hinihintay pa nila ang desisyon nina Trillanes at Robredo.