Ipatutupad na sa nalalapit na Barangay at SK elections ang kauna – unahang anti – dynasty provision ng bagong SK Law.
Nangangahulugan ito ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, na hindi maaaring tumakbong SK official ang isang miyembro ng kabataan na mayroong kamag-anak na incumbent local government official.
Naniniwala si Jimenez na kapag naging matagumpay ang implementasyon ng naturang probisyon sa local na halalan ay maaari nang ipatupad ito sa national elections.
Sasamantala, sisimulan na rin aniya ng COMELEC ang pag – imprenta sa mahigit 18 milyong karagdagang balota na gagamitin sa Barangay at SK Elections sa Mayo ngayong taon.
RPE