Posibleng dumating sa bansa ang unang batch ng Bivalent covid-19 vaccines sa katapusan ng Marso.
Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire mula ang nasabing mga bakuna sa Covax facility na planong ipamahagi at iturok sa target population sa Pilipinas.
Sinabi ni Vergeire, na may ilang bansa na rin ang nag-alok sa Pilipinas ng donasyon ng Bivalent vaccines.
Nabatid na target ng naturang bakuna na puksain ang omicron variant at orihinal na uri ng covid-19 virus.