Mas mahabang pila ang idinulot ng unang araw ng paggamit ng beep card sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw.
Taliwas ito sa inaasahan ng marami mapapabilis ng beep card ang proseso ng pagpasok sa mga istasyon ng tren.
Ayon sa maraming pasahero, wala silang nakitang pagbabago o mabuting naidulot ng paggamit ng beep card.
Habang ang ilan naman ay umaasang makikita ang positibong resulta nito sa susunod na mga araw.
Posible kasing marami pang mga pasahero ay ngayon pa lamang bibili ng beep card at ang iba naman ay naninibago pa sa paggamit nito.
Ang beep card ang inaasahang magpapaluwag sa mahabang pila ng mga tren dahil ito ay reloadable at maaring magamit sa MRT, LRT at LRT line 2.
By Rianne Briones