Ginugunita ngayong araw ang unang anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Miriam Defensor Santiago.
Nag-alay ng misa kaninang umaga ang pamilya at taga-suporta ng senadora sa kanyang libingan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City sa pangunguna ng mister nito na si Atty. Narciso “Jun” Santiago.
Magsasagawa rin programa mamayang gabi ang mga taga-suporta ng senadora na tatawaging “Harana para kay Miriam” kung saan iimbitahan ang ilang performers para magbigay kasiyahan.
Samantala, napuno naman ng pulang ribbon ang paligid ng puntod ni Santiago at pawang nakasuot ng pulang damit ang mga dumalo dahil ito ang paboritong kulay ng yumaong senador.
Dumating din sa libingan ni Santiago sina Manila Mayor Joseph Estrada, dating Senador Bongbong Marcos at ang presidential daughter at mayor ng Davao na si Sara Duterte-Carpio.
Nag-trending naman sa Twitter ang #MiriamIsForever kasabay ng death anniversary ng yumaong senadora.
—-