Ginawaran ng kauna-unahang Jesse Owens Olympic Spirit Award ang yumaong boxing legend na si Muhammad Ali.
Ang Owens Award ay nagsimula lamang ngayong taon kasabay ng ika-80 taong anibersaryo ng pagkakasungkit ni Owens sa ika-apat na gintong medalya nito sa 1936 Olympics sa Berlin.
Ang pormal na seremonya ay pangungunahan ng apo ni Owens na si Marlene Dortch kung saan inaasahang tatanggapin ito ng biyuda ni Ali na si Lonnie.
Matatandaang nagwagi ng gintong medalya si Ali noong 1960 Rome Olympics at hinawakan din nito ang tatlong world heavy weight championships noong 1964, 1974 at 1978.
By Ralph Obina