Ang DSDS o Department of Social Development Services ay isa sa academic units sa ilalim ng College of Human Ecology sa UP Los Baños na sumasakop sa implementasyon ng instruction, research at public service programs na mahalaga sa development at pagpapalakas ng HOSI’s o Human Organization and Social Institutions.
Kabilang sa mga kursong nasa ilalim ng DSDS ang Bachelor of Science in Human Ecology major in social technology na nagbibigay ng premium sa active participants ng HOSI’s sa pag organize, mobilize at pangangasiwa ng human at environmental resources tungo sa social development at sustainability.
Taglay ng mga nagsipagtapos ng BSHE major in social technology ang social tools at techniques para epektibong maikasa ang value oriented human environment interactions na nakatuon sa social organizations at institutions bilang strategy para ma empower ang mga komunidad.
Ang SDMP o Social Development and Management program ng DSDS ay naka-focus sa apat na areas na kinabibilangan ng STIB o Social Technologies for Institution Building, CDRM o Climate Change and Disaster Risk Management, CPSS o Consumer Protection Stakeholders Satisfaction at SLED o Sustainable Livelihood and Enterprise Development.
Ang STIB o Social Technologies for Institution Building ay naglalayong i-develop o pagyabungin ang kapasidad ng HOSI’s tungo sa self-reliance at sustainability sa pamamagitan nang paggamit ng social technologies.
Kabilang sa research at public services sa ilalim nito ang community profiling at pangangailangan ng assessment, community organizing, training design and management, capacity building, organization development and management at formulation ng social development at management plans.
Ang CDRM o Climate Change and Disaster Risk Management naman ay naka-focus sa pagpapalakas sa HOSI’s sa pagtugon sa disaster risk management, climate change adaptation,social determinants of health sa pamamagitan nang pagtutok sa complexity ng mga disaster gamit ang participatory approaches sa pagbuo ng mga solusyon katuwang ang stakeholders tungo sa resilient at healthy communities.
Kabilang sa mga proyekto ang participatory community capacity and vulnerability assessment, youth ecological camps, mainstreaming sa drrm sa planning, capacity enhancement sa pagsasagawa ng DRRM at CCA studies.
Ikatlong focus area ang CPSS o Consumer Protection Stakeholders Satisfaction na makakatulong para ayusin ang organizational o institutional processes upang mapaganda ang performance at service delivery ng HOSI’s sa stakeholders.
Bahagi ng research at public service initiatives ng CPSS ang pag-institutionalize sa consumer protection centers sa piling Local Government Units, pagpo-promote ng consumer education at stakeholders satisfaction studies.
Ang ikaapat ay SLED o Sustainable Livelihood and Enterprise Development na nakatutok sa design at management ng mga programa ng HOSI’s na nasa social enterprises.
Kabilang sa research at public services initiatives ay capacity development ng partner state universities and colleges sa pagpapatupad ng community based enterprise, community participation sa development ng sustainable livelihood at sustainability studies ng social enterprises.
Iniaalok din ng DSDS para sa apat na focus areas ng SDMP ang SIA o Social Impact Assessments at STAMP o Social Technologies Technical Assistance and Mentoring Program.
Ang mga ito ng foundational sub-themes ng NCSDC 2022 o first National Conference on Social Development and Sustainability na isinusulong ng DSDS at partners nito.
Layon ng NCSDC 2022 na mapag-isa ang civil society, practioners, policy makers, researchers, academia at experts sa isang pagtitipon kung saan maibabahagi ang practical strategies, creative solutions at innovative technologies para tutukan ang mga hamon ng kahirapan at hindi pagkakapantay pantay.
bibigyang-diin sa NCSDS 2022 ang talakayan sa research at practices sa social and community innovations na resulta ng collaboration o pagsasanib-puwersa ng mga HOSI’s tungo sa social development at sustainability.
Kabilang sa plenary speakers sa NCSDS 2022 na gaganapin sa November 24, 25 via zoom sina Dr. Liza Dacanay ng Institute for Social Entrepreneurship in Asia, professor Ernesto Garilao ng Zuellig family foundation at Dr. Renzo Guinto ng sunway centre for planetary health.
Sa mga interesadong lumahok sa NCSDS 2022, maaaring mag sign at mag-imbita sa pamamagitan ng registration link na http://bit.ly/ncsds2022 at uubrang mag-email sa sdconference.secretariat@gmail.com para sa mga dagdag na katanungan.
previous post