Isang araw na puno ng sayawan at saya ang matagumpay na nairaos para sa kauna-unahang community outreach mission ng Malacañang Press Corps (MPC) sa Asilo De San Vicente De Paul nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 28.
Ang Asilo ay isang bahay-ampunan na matatagpuan sa United Nations (UN) Avenue sa Maynila at pinamamahalaan ng Daughters of Charity of Saint Vincent de Paul.
Nasa P36,000 cash, 10 sacks ng 50-kg rice, at iba pang in-kind donation ang nai-turnover ng MPC sa orphanage sa pakikipagtulungan ng Presidential Photojournalists’ Association (PPA) at Malacañang Cameramen Association (MCA).
Bukod dito, nag-donate din ang PPA ng P11,000 cash at P2,000 halaga ng SM gift certificates mula sa isang direktor ng Presidential Communications Office (PCO).
Kasabay nito, nagpasalamat naman si MPC president Pia Gutierrez-Dela Cruz sa lahat ng mga nakiisa at nakisaya sa outreach activity, kabilang ang mga miyembro ng press corps, PPA, MCA, at mga opisyal at kawani ng PCO.
“We would like to express our gratitude to all MPC members, PPA, MCA, as well as to officials and staff of the Presidential Communications Office for supporting this outreach activity,” pahayag ni Gutierrez-Dela Cruz.