Hindi man perpekto subalit highly successful o matagumpay.
Ganito ilarawan ni COMELEC Commissioner George Garcia ang idinaos na unang presidential at vice presidential debates ng komisyon nitong nakalipas na weekend bilang bahagi ng PiliPinas Debates 2022.
Ayon kay Garcia, kahit hindi kumpleto ang mga dumalong kandidato mas mabuting mag focus na lamang sa kanilang mga plano para sa bansa.
Sa unang araw ng debate para sa mga presidentiable tanging si dating senador Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. ang wala samantalang hindi nabuo ang mga kandidato sa pagka-bise presidente sa ikalawang araw ng debate dahil hindi nakadalo sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Buhay Party List Representative Lito Atienza.