Inilunsad ng pamahalaan ang kauna unahang Presidential Silent Drill Competition.
Layon nitong makakuha pa ng mas maraming suporta para sa muling pagbuhay ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Ayon kay Presidential Security Group (PSG) chief Brig. General. Jose Niembre, sana raw ay makuha nito ang interest ng mga tao pagdating sa naturang programa.
Aniya, gusto lamang nito na maging handa ang mga mag aaral.
Gagawin ang drill bukas, Disyembre 20, kung saan lalahok ang 7 service military academies.